“NIA PARA SA BATA”

Pinangunahan ng NIAEASP ACIMO chapter ang “NIA PARA SA BATA”, isang outreach program para sa mga anak ng magsasaka ng, Sitio Malindok, Del Rosario, Libon, Albay noong nakaraang Sabado, October 1, 2022.

Nagpahayag ng pasasalamat si NIAEASP-ACIMO Chapter President, Engr. Mark Cloyd G. So sa suporta na kanyang natanggap mula kay National Council President Ed G. Yu, maging kay ACIMO Manager, Engr. Jessie D. Baynas.

Humigit kumulang limampung kabataan ang napasaya ng nasabing aktibidad kung saan isinagawa ang feeding program, story-telling, mga palaro at pagbibigay ng mga school supplies.