NAGA CITY-Aabot na sa 6,000 ektarya ng lupain na sakop ng National Irrigation Administration (NIA) sa rehiyon Bicol ang apektado ng kulang na suplay ng tubig bunsod ng nararanasang weak El Niño.
Ayon kay Ed Yu, tagapagsalita ng NIA-Bicol, 3,000 ektarya rito ay sa lalawigan ng Camarines Sur, 2,000 sa lalawigan ng Camarines Norte, 500 sa Albay at Masbate, habang 60 ektarya sa Catanduanes.Bunsod nito, mahigpit na ipinatutupad ngayon ng NIA ang rotation ng pagpapatubig sa nasabing mga lugar upang masuplayan ang mga taniman.Kaugnay nito, nanawagan ang NIA sa mga magsasaka na sundin ang schedule ng pagpapatubig sa kanila at huwag mang-aagaw ng tubig upang lahat ay mapadaluyan.Ngunit ayon kay Yu, kontrolado pa ang ganitong sitwasyon at nakahanda rin sila sakaling lalo pang tumaas ang temperatura sa rehiyon.Una nang sinabi ng opisyal na ilan sa mga pinagkukunan nila ng tubig tulad na lamang ng Lake Buhi sa Camarines Sur, ay bumaba na ang level dahil sa init ng panahon.