Nagsagawa ng System Management Workshop (SMW) ang NIA Camarines Norte IMO para sa mga NIS at CIS Irrigators Associations (IAs)

Written by: MCBB-PRO A
CAMARINES NORTE IMO: Nagsagawa ng System Management Workshop (SMW) ang NIA Camarines Norte IMO nitong nakaraang Agosto 10-11, 2023 para sa NIS Irrigators Associations (IAs) at Agosto 17-18, 2023 para sa mga CIS IAs na dinaluhan ng mahigit apatnapung magsasaka sa lalawigan.

Tinalakay ang approved cropping calendar, water delivery distribution schedule at pagresolba sa mga water conflicts. Ipinaliwanag din ni Engr. Jenny C. Roldan, Sr. Engineer A at Engr. Roger Allan B. King, Sr. Engineer ng OM Unit ang kahalagahan ng implementasyon ng Alternate Wetting and Drying (AWD) sa mga palayan bilang paghahanda sa El Nino phenomenon.

Nagbahagi rin naman ang mga magsasaka ng kanilang agricultural practices lalong-lalo na sa panahon ng krisis ng tubig. Nagtapos ang seminar sa pagbisita sa Matogdon Dam, Talisay at Alawihao Dam upang personal na makita ng participants ang sitwasyon ng daloy ng tubig.

#TuloyAngDaloyNIA #bayaNIAn #niar5